Nanawagan ang Department of Health (DOH) nitong Biyernes sa publiko namakipagtulunganupang mapanatili ang mababang bilang ng naitatalang firework-related injuries (FWRI) sa bansa.
Sa isang pahayag, sinabi ng DOH na mula taong 2016 hanggang 2022, patuloy nilang naitatala ang mababang bilang ng FWRI.
Mula sa mataas na 677 noong 2016, naitala nila ang pinakamababang kaso nito na nasa 122 na lamang noong taong 2021.
“This is a good indicator of practicing safer new years away from physical injuries and emergencies,” anang DOH.
Umapela rin ang DOH sa publiko na makiisa sa kanilang Iwas Paputok campaign at gumamit na lamang ng mga alternatibong paraan ng pag-iingay para sa mas ligtas na pagdiriwang ng Pasko at Bagong Taon.