Nanawagan ang Department of Health (DOH) nitong Biyernes sa lahat ng stakeholders na makipagpatulungan upang maipagpatuloy ang downward trend ng naitatalang firework-related injuries (FWRI) sa bansa.

Sa isang pahayag, sinabi ng DOH na mula taong 2016 hanggang 2022, patuloy silang nakakakita ng downtrend ng FWRI.

Mula anila sa mataas na 677 noong taong 2016, naitala nila ang pinakamababang mga kaso nito na nasa 122 na lamang noong taong 2021.

“This is a good indicator of practicing safer new years away from physical injuries and emergencies,” anang DOH.

Tinatayang 66 mula sa 183 senatorial aspirants ang maisasama sa balota- Comelec

Hinikayat rin naman ng DOH ang publiko na makiisa sa kanilang Iwas Paputok Campaign at gumamit na lamang ng mga alternatibong paraan ng pag-iingay para sa mas ligtas na pagdiriwang ng Pasko at Bagong Taon.

“The DOH calls upon all stakeholders to help continue maintain this trend in the coming years and the nearing New Year to come, by employing alternative ways of creating loud noises such as through pots and pans, speakers, horns, and percussions among many others,” anang DOH.

“Let’s all join the Iwas Paputok Campaign and enjoy a healthier and more merry Ligtas Christmas and New Year this 2022,” pagtatapos pa nito.