Posibleng magtaas ng singil sa tubig ang Manila Water Company sa susunod na taon.

Ito ang kinumpirma ng tagapagsalita ng Manila Water na si Jeric Sevilla nitong Biyernes at sinabing dulot ito ng environmental charge na ipinapatong sa mahigit anim na milyong customer nito sa east zone ng Metro Manila.

Makikinabang aniya ang mga customer sa environmental charge dahil lumaki na ang sewered lines nito.

Ang dagdag na singil ay para sa waste water at watershed management, kasama rin ang pagsipsip ng septic tank isang beses sa loob ng limang taon.

Metro

Marikina LGU: Ulat na dinukot ang 4 na menor de edad sa lungsod, fake news!

Aniya, tataas pa rin ang basic charge na binabayaran ng mga customer.

Kabilang sa service area ng Manila Water ang 23 lungsod at munisipalidad sa Metro Manila at Rizal na kinabibilangan ng Mandaluyong, Makati, Pasig, Pateros, San Juan, Taguig, Marikina, at ilang bahagi ng Quezon City at Manila, Angono, Baras, Binangonan, Cainta, Cardona, Jalajala, Morong, Pililia, Rodriguez, Tanay, Taytay, Teresa, San Mateo at Antipolo sa Rizal.