Bumaba na sa 850 ang bagong kaso ng coronavirus disease 2019 (Covid-19) sa bansa, ayon sa pahayag ng Department of Health (DOH) nitong Biyernes.

Gayunman, tumaas sa 16,994 ang aktibong kaso ng sakit ngayong Disyembre 23.

Mas mas mababa ang nasabing bilang kumpara sa naitala nitong nakaraang araw, ayon sa DOH.

Dahil dito, nasa 4,060,236 ang kabuuang kaso ng virus sa Pilipinas.

Sa nakaraang dalawang linggo, nakitaan ng pagtaas ng kaso sa Metro Manila, Calabarzon (Region 4A), Central Luzon, Western Visayas at Cagayan Valley.

Gayunman, isinapubliko ng DOH na umabot na sa 3,978,049 ang kabuuang nakarekober sa sakit mula nang magdeklara ng pandemya ang Pilipinas noong 2020.