Nailigtas ng mga awtoridad ang isang babae matapos tumalon sa Pasig River mula sa Intramuros-Binondo Bridge sa Maynila nitong Biyernes dahil umano sa problema sa pamilya.

Bago ang tangkang pagpapakamatay, namataan ang 47-anyos na babaeng taga-Binondo sa Maynila sa ibabaw ng nasabing tulay.

Habang kinukumbinsi ng mga tauhan ng Philippine National Police at Bureau of Fire Protection (BFP) na huwag nang ituloy ang binabalak, bigla na lang itong tumalon sa Pasig River.

Kaagad ding tumalon sa nasabing ilog si Petty Officer 2nd Class (PO2) Ray Eric Agad, nakatalaga sa Coast Guard Special Operations Force (CGSOF), upang sagipin ang babae.

Metro

QC gov’t, sinuspinde F2F classes hanggang SHS, gov’t work sa Jan. 13 dahil sa rally ng INC

Nailigtas ang babae sa tulong ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard, BFP at PNP.

Aminado naman ang babae na hindi na niya nakayanan ang problema sa pamilya kaya nagtangkang magpakamatay.