Anim pang indibidwal ang kinasuhan ng Department of Justice (DOJ) kaugnay sa mga nawawalang sabungero na taga-Tanay, Rizal kamakailan.
Ito ay matapos makitaanng probable cause ang reklamo na 6 counts ng kidnapping at serious illegal detention laban kinaJulie Patidongan, Gleer Codilla, Mark Carlo Zabala, Virgilio Bayog, Johnry Consolacion at Roberto Matillano, Jr..
Nilinaw ng DOJ na kinilala ng isang farm caretaker ang anim na akusado na responsable umano sa pagdukot kina James Baccay, Marlon Baccay, Rondel Cristorum, Mark Joseph Velasco at Rowel Gomez.
Kabilang din sa dinukot ang driver ng sasakyang inupahan ng mga sabungero na siJohn Claude Inonog.
Sa rekord ng kaso, umalis sa Tanay, Rizal ang anim na sabungero nitong Enero 13, 2022 dakong 1:00 ng madaling araw upang makipagsabong sa Manila Arena.
Huling nakita ang anim na biktima nang isakay sa isang gray na van kinagabihan.
Pagkatapos ng insidente ay hindi na umuwi ng mga sabungero kaya itinuturing na silang "missing" matapos mabigo ang pulisya na mahanap ang mga ito.
Matapos ang ilang araw, natagpuan ng pulisya ang van na inabandona sa Barangay Sampaloc, Tanay.