LAGUNA -- Tinatayang nasa 8.5 milyong pisong halaga ng party drugs o Ecstasy pills ang nasabat ng mga awtoridad sa isang drug operation sa Santa Rosa City, Miyerkules ng hapon, Disyembre 21.
Naarest ang isang babae na may alyas “Aira Almonte” na siyang tatanggap sana ng items, ayon sa report.
Ayon sa CALABARZON Police Regional Office (PRO-IVA), isinagawa ng mga tauhan ng NAIA-IADITG kasama ang mga operatiba ng PDEA IV-A,RPDEU, 1V-A, Philpost-Inspectorate at Sta Rosa City Police ang controlled delivery operation sa isang gasolinahan sa Brgy. Dita, Sta Rosa City kung saan idedeliver kay "Aira" ang parcel.
Galing sa bansang France ang kahina-hinalang package at na nakadeklarang "Children Playing Item" at ipinadala ng isang “Bautista Victoria."
Matapos maaresto si “Aira," binuksan ang parcel at tumambad ang nasa 5,032 pink tablets na hinihinalang Ecstasy na tinatayang nagkakahalaga ng P8,554,400.00.
Nakapaloob ito sa anim na stuffed toys at apat na improvised pouches.
Nakumpiska rin mula sa suspek ang kanyang fake school ID, postal at BIR Tin Card.Nasa kustodiya ngayon ng PDEA-4A ang suspek at sasampahan ng kaso.