Naibahagi ng showbiz columnist na si Ogie Diaz na sa hindi inaasahang pagkakataon ay nakaharap niya si Vice President at DepEd Secretary Sara Duterte-Carpio.

Nagkrus ang mga landas nila sa 47th birthday party ng aktres at Quezon City Councilor Aiko Melendez noong Disyembre 13. Bukod sa kaibigan, si Ogie ang tumatayong manager ni Aiko kaya naturalmenteng kasama siya sa mga imbitado.

At dito na nga niya nakaharap si VP Sara, na lakas-loob niyang nilapitan. Siyempre raw, siya ang lalapit dito dahil hindi naman ito ang lalapit sa kaniya.

Nag-hello raw siya kay VP Sara at bumati naman ito sa kaniya ng "Merry Christmas!"

Marcoleta, pinigilang magtanong tungkol sa proposed ₱6.352-trillion 2025 nat'l budget

“Ang nakakaloka, nakalimutan kong magpa-picture,” natatawang sey ni Ogie.

Matatandaang UniTeam ang sinuportahan ni Aiko sa nakalipas na halalan habang si Ogie naman ay isang Kakampink.