Nangako si Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. na tutulungan ng gobyerno ang mahihirap na pamilya, kahit hindi Kapaskuhan.
Ito ay nang pangunahan ni Marcos anggift-giving activity sa Open Ampitheater ng Rizal Park nitong Huwebes na dinaluhan ng aabot sa 400 bata at mahihirap na pamilyang nakatira sa lansangan sa Metro Manila.
"Etong nakaraan na siguro anim na buwan ay busying-busy‘tong mga ito dahil ang daming dumaan dito sa Pilipinas. May bagyo, nagkalindol pa tayo sa Abra, kaya’t siguro masasabi natin isa na ito sa mgaagenciesna24/7talaga," sabi ni Marcos sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).
“Hindi natutulog 'yung bagyo, hindi nagbabakasyon 'yung lindol, at 'yung flooding ay 'di nangingilala ngholidaykaya’t kahit papaano laging nandiyan 'yung mga ‘yan. Kaya’t maraming salamat sa inyo, hindi lamang para sa ngayongeventna ito kung hindi para sa lahat ng inyong ginawa at napakabuti dahil maraming-marami kayong natulungan," banggit pa ng Pangulo.
Tiniyak ni Marcos na tuluy-tuloy pa rin sa pagtupad ng tungkulin ang DSWD upang matugunan ang kahirapan sa bansa.
"Ito ang aming konting tulong sa inyo, hindi lang po ngayong Pasko. Asahan po ninyo na kayo ay laging nasa isip namin. Itong mgaDSWD,araw-araw ‘yan24/7iniisip nila kung paano namin kayo tutulungan…para nga kahit paano, kahit nakalampas na ang Pasko, 'yung new year ay patuloy pa rin ang aming tulong sa inyo," sabi pa ni Marcos.
Philippine News Agency