Inulan ng samu't saring reaksyon mula sa netizens ang influencer at voice-over actress na si Inka Magnaye hinggil sa inilabas nitong saloobin tungkol sa bike lanes.

Sa komento kasi ni Inka, sinabi nitong "band aid" solution lamang ang mga bike lanes na ginawa mula sa pagbabawas ng espasyo sa sidewalk.

"I've been so annoyed at these "bike lanes". They didn't create extra space, it was just carved out of a car lane. So they still share it with cars or trunks. It still isn't safe for riders. When we need to drive past a bicycle on the service we still have to counterflow a bit, or they have to themselves closest to the sidewalk. It's such a bandaid solution, and it isn't even a fresh bandaid," ani Inka.

Iba-iba naman ang naging reaksyon ng netizens sa kanya.

Politics

Dalawang Tulfo brothers, nanguna sa survey ng senatorial race

Ayon sa ilang netizens, tama ang nais ipakahulugan ni Inka sa kontekstong dapat palawakin ang kalsada para manatiling hindi nagagalaw ang espasyo ng mga motorista.

Sinabi pa ng ilang netizens na hindi agad na-comprehend nang maayos ang opinyon ni Inka na siya namang ikinakulo ng dugo ng mga hindi sumang-ayon sa kanya.

Dipensa naman ni Inka sa mga bumabatikos sa kanya, nais lamang niya ng mas ligtas ang bawat isa sa kalsada.

"I don't like how the bike lanes are currently set up, because I feel like, it could be safer. Because, I want everyone to be safe on the road from, like I said, cars, to trucks, to motorcycles, to bicycles, to electric scooters, to pedestrians, I just want things to be safe," ani Inka.

Dagdag pa niya, hindi lingid sa kanyang kaalaman ang pagkakaroon ng salungat na opinyon ng netizens sa kanyang sinabi dahil nakakatanggap siya ng maraming tagged posts, hindi lang sa Facebook ngunit maging sa Twitter din.

Sa kabila ng sabog na notifications, ani Inka, pinilit niya huwag nang makisali sa mga ito.

Humingi naman siya ng paumanhin sa mga netizen kung sakaling personal na nasaktan ang mga ito sa kanyang sinabi.

Sinabi naman ni Inka na bukas siya sa pakikipag-diyalogo kung sakaling mali ang kanyang opinyon ngunit sa may respetong paraan.