Binuksan na muli ngMetropolitan Manila Development Authority (MMDA)ang EDSA para sa mga provincial bus simula Disyembre 24 hanggang Enero 2, 2023.

Sa anunsyo ng MMDA nitong Huwebes, ang mga bus na manggagaling sa North Luzon ay obligadong huminto sa kanilang terminal sa Cubao sa Quezon City at ang mga bus naman na manggagaling sa South Luzon ay dapat na dumaan sa kani-kanilang terminal sa Pasay City.

Katwiran ng MMDA, dadagsa ang mga pasaherong magtutungo sa kanilang probinsya dahil na rin sa mahabang bakasyon.

Inaasahan ng MMDA na siksikan na ang mga terminal ng bus sa Metro Manila simula Disyembre 24 at 25 dahil sa paghahabol.ng mga biyahero na makauwi sa kanilang lalawigan ngayong holiday season.

Metro

Tinatayang 14,000 kapulisan, nakahanda na para sa Traslacion 2025

Kaugnay nito, nanawagan naman ang publiko na gawing permante ang nasabing hakbang ng MMDA para na rin sa kapakanan ng mga pasahero.