Nakapagtala na rin ang Pilipinas ng isang kaso ng BF.7 omicron subvariant, na sinasabing siyang nagdulot ng panibagong surge ng COVID-19 cases sa China. 

Ayon sa DOH, ang BF.7 ay mula sa BA.5 na subvariant ng Omicron.

Nabatid na ang unang kaso nito sa bansa ay natukoy sa 133 samples na sinailalim sa genome sequencing nitong Disyembre 14 hanggang 15.

Nagmula umano ang pasyente sa National Capital Region (NCR).

National

4.5-magnitude na lindol, yumanig sa Surigao del Norte

Kaugnay nito, tiniyak naman ng infectious disease expert na si Dr. Rontgene Solante na hindi naman dapat maalarma ang publiko rito.

Ayon kay Solante, bagamat mabilis itong makahawa o kumalat ay hindi naman aniya ito nagdudulot ng malalang sakit.

Samantala, nakapagtala rin ang DOH ng iba pang bagong kaso ng omicron subvariant.

Kabilang dito ang BA.2.3.20 na may 23 kaso, 28 na kaso ng XBB, 45 na XBC, at 24 na iba pang subvariants.

Anang DOH, ang BA.2.3.20 cases ay pawang local cases mula Regions 1, 2, 3, 7, 11, at NCR habang ang pang XBC cases naman ay galing sa Region 11 habang ang bagong XBB cases ay natukoy sa Region 7, 11, at NCR.