Idineklara na ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. ang Disyembre 26 bilang special non-working day sa bansa.

Nakapaloob sa Proclamation No. 115 ang hakbang ng Pangulo na may layuning bigyang pagkakataon ang mga Pinoy na makapagdiwang ng holiday, kasama ang kanilang pamilya at mga mahal sa buhay.

"A longer weekend will encourage families to get together and strengthen their relationship towards a more productive environment, and will promote tourism,” ayon sa proklamasyon.

Inatasan na rin ni Marcos ang Department of Labor and Employment (DOLE) na maglabas ng memorandum circular hinggil sa implementasyon ng proklamasyon para sa pribadong sektor.

National

Dr. Edsel Salvana, nakatanggap ng 'Innovation Excellence Award for Research' mula sa PhilDev

Ipagdiriwang naman ang Pasko sa Linggo, bilang regular holiday.

Matatandaang idineklara na ni Marcos ang Enero 1, 2023 bilang regular holiday.