Nahaharap na naman sa panibagong kontrobersya si suspended Bureau of Corrections (BuCor) chief Gerald Bantag matapos paratangan ni BuCor officer-in-charge Gregorio Catapang, Jr. na nakinabang umano sa₱300 milyong bahagi ng₱1 bilyongproyekto ng ahensya.

Ito ang ibinunyag ni Catapang sa panayam sa telebisyon nitong Huwebes at sinabing naglaan ang gobyerno ng₱900 para sa pagpapatayo ng mga bilangguan sa Leyte, Davao at Palawan bilang bahagi ng decongestion plan ng BuCor.

Bukod dito, naglabas din ang pamahalaan ng dagdag na₱100 milyon para makumpini angCorrectional Institution for Women.

Paliwanag ni Catapang, bayad na ang 95 porsyento ng proyekto. Gayunman, 60 porsyento lang ng proyekto ang natapos.

Eleksyon

Teddy Casiño, nakasama sina Heidi Mendoza, Luke Espiritu: ‘Maybe next time’

Inumpisahan aniya ang pagkukumpiniat pagpapatayo ng gusali ng bilangguan noong 2020 at matatapos sana sa Agosto 2022.

Aniya, 'dinoktor' din aniya ang dokumento ng proyekto batay na rin umano sa kautusan ni Bantag upang palabasin na tapos na ito.

Kamakailan, sinabi ni Catapang sasampahan nito ng plunder si Bantag bago matapos ang 2022 o sa unang bahagi ng 2023 hinggil sa proyekto.

Matatandaang sinuspindi si Bantag matapos isangkot sa pagpatay kay CristitoVillamor, alyas Jun Villamor, ang umano'y "middleman" sa pamamaslang kay veteran journalist Percival "Percy Lapid" Mabasa sa Las Piñas.

Namatay si Villamor habanng nakapiit sa National Bilibid Prison (NBP) nitong Oktubre 18 ilang oras matapos lumantad sa publiko si self-confessed gunman Joel Escorial at sinabing ang una ang nag-utos sa kanyang grupo na patayin si Mabasa.

Sa isang pahayag, itinanggi naman ng abogado ni Bantag na si Rocky Balisong ang alegasyon ni Catapang at sinabing haharapin nila ang usapin sa tamang lugar.