Hindi tinamaan ang jackpot na ₱104.8 milyon sa 6/45 Mega Lotto draw nitong Miyerkules ng gabi, ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

Sa abiso ng PCSO, walang nakahula sa winning combination na 13-43-04-31-25-35 na may nakalaang premyong ₱104,831,145.20.

Binobola ang nasabing lotto 6/45 Mega Lotto tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes.

Sinabi ng ahensya, hindi rin napanalunan ang jackpot na ₱89,533,642.40 para 6/55 Grand Lotto na may winning combination na 07-14-13-54-30-19.

National

Dr. Edsel Salvana, nakatanggap ng 'Innovation Excellence Award for Research' mula sa PhilDev

Idinagdag pa ng PCSO, binobola ang nasabing laro tuwing Lunes, Miyerkules at Sabado.