Puntirya na ng Barangay Ginebra San Miguel na okupahan ang unang finals seat sa pakikipagharap nito sa Magnolia sa Game 4 ng kanilang PBA Commissioner's Cup semifinals series ngayong Miyerkules ng hapon, Disyembre 21.

Dakong 3:00 ng hapon, magsisimula ang laban Gin Kings at Hotshota sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Kagagaling lang Ginebra sa panalo laban sa Magnolia, 103-80, nitong Linggo kaya taglay na nila ang 2-1 bentahe sa serye.

Sakaling manalo ang Gin Kings, makukuha na ng koponan ang unang sila sa finals at hihintayin na lamang na manalo ang Bay Area Dragons kontra San Miguel sa second game upang makalaban nito sa kampeonato.

Pamilya, naglabas ng opisyal na pahayag sa pagpanaw ni Chino Trinidad

Gayunman, hindi pa rin kampante si Ginebra head coach Tim Cone at sinabing mapanganib na kalaban ang Magnolia.

"We're a veteran team. Justin (Brownlee) knows that. We have to come out to get the next win and be better next game," sabi ni Cone sa isang panayam.

Bukod kay Brownlee, ibabalandra rin ni Cone sina Jamie Malonzo, Scottie Thompson, Stanley Pringle, Christian Standhardinger at Japeth Aguilar.

Dagdag sa koponan ang matinik na pointguard na si LA Tenorio.

Sa panig naman ng Magnolia, ibabandera ni coach Chito Victolero sina Nick Rakocevic, Lee, Calvin Abueva, Jio Jalalon at Mark Barroca.