Mukhang hindi bet ng Twitter users ang Chief Executive Officer o CEO ng naturang social media platform na si business magnate at billionnaire Elon Musk, batay sa kaniyang sariling poll.

Nagsagawa ng sariling poll si Musk sa Twitter users noong Disyembre 19, kung dapat na ba siyang magbitiw bilang CEO ng Twitter o hindi.

"Should I step down as head of Twitter? I will abide by the results of this poll," saad ni Musk.

Batay sa resulta, nanaig ang "Yes" na may botong 57.5% at ang "No" naman ay 42.5%. 17,502,391 ang bumoto sa kaniyang poll.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina

https://twitter.com/elonmusk/status/1604617643973124097

"I will resign as CEO as soon as I find someone foolish enough to take the job! After that, I will just run the software & servers teams," ani Musk.

https://twitter.com/elonmusk/status/1605372724800393216