Naglabas na rin ng pahayag ang Ovation Productions ngayong Miyerkules, ang producer ng jam-packed na Ben&Ben concert sa Paranaque noong Linggo, Dis. 18.

Habang pinasalamatan nito ang folkband at nasa 65,000 fans na sumadya sa SMDC Festival Grounds, aminado ang produksyon sa naging “logistical challenges” nila dahilan para sa mga naging hindi magandang karanasan ng maraming concertgoers.

“For this, we would like to apologize to everyone affected,” anila.

Matatandaang kabilang sa mga pinukol ng fans sa organizer ang walang malinaw na gabay sa pila, at mahinang pagpapatupad ng seguridad papasok ng concert ground.

VP Sara, tahasang iginiit na hindi niya binoto si Romuadlez

Bago rin ibigay ang paliwanag sa naging disorganisadong pila, at iba pang alalahanin, muling ibinida ng Ovation ang ilang matagumpay nilang mga outdoor events tampok ang naglalakihang artists kagaya ng noo’y One Direction, si Usher, Ed Sheeran, Metallica at Stings noon pang 1990’s.

Anila, hindi nila kinaharap noon ang mga katulad na reklamo ngayon.

“We would normally have multiple entry points at both sides of the venue to facilitate fast and easy access and to keep queuing short and fast-moving,” dagdag ng Ovation na kalauna’y nabago anila para iwasang malugmok sa literal na putik ang ilang concertgoers.

“Since SMDC Festival Grounds was a new venue, there was ongoing construction work on the cement floor on the right side. The gates on the left side were deemed to be sufficient,” pagpapatuloy nila.

Hindi rin anila sila pinayagang maglagay ng “instructional signages” paligid ng concert venue.

“Security procedures at the gates admittedly contributed in the slowing down of the flow but it was a necessary procedure. At some point, said security procedures were relaxed in order to unclog the choke points and then later re-imposed when the situation improved. This was to prevent a potentially hazardous influx at the gates from occurring,” anang Ovation.

Depensa rin nila, sapat ang kanilang security marshalls sa loob at labas ng venue gayundin ang nakataantabay na pulisya, at ambulansya.

Sa huli, muli ring inako ng produksyon ang naging pagkukulang sa kanilang bahagi dahilan para maabala ang maraming fans.

Pagtitiyak nila, pag-iigihin nilang mapabuti ang susunod na mga event.

“Ovation Productions is grateful to Ben&Ben and its fans Liwanag for their understanding.”

Nitong Martes, nauna nang humingi ng paumanhin ang Ben&Ben sa naranasan ng fans noong Linggo.

Basahin: Ben&Ben, nag-sorry sa fans kasunod ng disorganisadong homecoming concert kamakailan – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Gayunpaman, nagpupuyos naman sa galit at pagkadismaya pa rin ang fans sa kabila ng pahayag ng produskyson.

“This is way too much. We paid for the tix and now we can't get into the venue because of crowding. No checking of tix and checking bags for safety,” komento ng isang fan ng banda.

“If mali nila, they should own up to it. Not give excuses. Pero mahirap talaga maging event manager, glamorous sa surface pero thankless job.”

“You didn't have enough marshalls! Magulo ang pila. It was the worst!”

“SM grounds before was technically a parking lot, I thought may upgrade na kasi may festival grounds kineso na. yun pala mas worse than before at mukhang open construction site sya. Do better, Ovation. Fans deserve a safe concert environment hindi yung puchu puchu lang.”

“Jusko puro excuses. Own up to your shortcomings!”

“Adequate security marshalls? saang banda kaya sila? Also, alam niyo na pala the night before the concert na hindi ipapagamit yung right side entrance. ano ba naman yung mag-announce sa socmed ng updated instructions diba? o di kaya ay maglagayng maraming marshalls na pwedeng magturo kung saan ang pila at kung paano ang magiging sistema!”

“Suggest don't justify just say an apology. Bilang organizer, responsibilidad nyo po iyung nangyari. You sounded like making excuses. Sa isang banda po, noong Lunes nyo pa ito sana ginawa. Nauna pa po yung artist nyo gayung organizer ang may accountable. 🤣

“You were not allowed to put signages. So para san tong social media accounts niyo to give heads up the concert goers? Di yata na dig-dip yung mga posibleng mangyari. Oh well. All done. Walang nang magagawa yung sorry (excuse/blaming game/gaslighting)niyo sa mga naagrabyado, lalo na sa band. Never again.”

Umabot na agad sa mahigit 800 reactions ang naturang pahayag ng Ovation sa pag-uulat.