Matapos paulanan ng galit at dismayadong fans ng pagkondena ang social media account ni Miss Universe 2011 Leila Lopes dahil umano sa pang-ookray nito sa wardrobe ni Celeste Cortesi, dinepensahan na nito ang sarili.

Basahin: Miss Universe 2011 Leila Lopes, inokray umano ang suot ni Celeste Cortesi; Pinoy fans, rumesbak! – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Taliwas aniya sa mga espekulasyon, hindi niya binura ang komento bagkus ay maaaring ang pageant page sa Instagram ang nagbura nito.

“The comments that me and other guy made weren’t mean or disrespectful to Celeste. I wouldn’t be here replying if I didn’t believe I was misinterpreted,” anang titleholder ngayong Miyerkules.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Matatandaang puring-puri ng kapwa beauty queens at masugid na Pinoy fans si Celeste sa isang outfit nito dahil sa litaw na litaw na kahandaan na para sa tangkang pagsungkit sa ikalimang korona para sa Pilipinas.

Kabilang sa mga nag-approve sa pinakahuling pagrampa ni Celeste sina Miss Grand International 2020 first runner-up Samantha Bernardo, Miss Eco International 2022 Kathleen Paton, at Miss Universe Philippines 2021 first-runner Maureen Wroblewitz.

Gayunpaman, tila sinunog naman ng isang partikular na komento ang excitement ng fans.

Sa isang pageant page sa Instagram kung saan nai-repost ang look ni Celeste, isang malisyusong tugon umano ang binitawan ng dating titleholder.

“The skirt, as the elders say, doesn’t give a hand,” sey ng isang fan sa getup ni Celeste.

“Minha avo ia dizer q e um cinto,” pagtugon ni Leila na napag-alamang gamit ang Portuguese na lenggwahe.

“My grandmother was going to say it’s a belt,” natatawang pagtugon pala ni Leila kalakip ang laughing emojis sa suot ni Celeste.

Hindi ikinatuwa ng maraming Pinoy ang komentong ito kaya’t agad na niresbakan si Leila sa social media.

Instagram

Paglilinaw ngayon ni Leila, “Me and you all know that Celeste looked beautiful, confident and hot in that outfit.”

Sa pag-uulat, nananatiling wala pang tugon sa isyu ang manok ng Pilipinas sa Miss Universe.