Kinaaliwan ng mga netizen ang Facebook post ni Unkabogable Star Vice Ganda sa kaniyang verified account, matapos niyang ibahagi ang litrato nila ni Ivana Alawi, na co-star niya sa pelikulang "Partners in Crime" na isa sa mga pelikulang kalahok sa 2022 Metro Manila Film Festival.

Pabirong hirit ni Vice, hindi lamang sila "partners in crime" kundi "riding in tandem" din.

Ibinahagi ni Vice ang litrato ni Ivana habang nakasakay sa isang kabayo.

National

Bagyong Carina lumakas pa, isa nang ganap na tropical storm

Matatandaang laging binubuska noon si Vice na mukha siyang kabayo, kaya nga ang unang pinagbidahan niyang pelikula ay "Petrang Kabayo", na niremake niya mula sa pelikula ni Roderick Paulate.

Samantala, ang pelikulang ito ay ang muling pagbabalik-MMFF ni Vice matapos ang halos dalawang taong pamamahinga sa paggawa ng pelikula.