Hinikayat ng Department of Health (DOH) ang mga health worker na tumanggap ng kanilang pangalawang Covid-19 booster shot.
"Sa mga healthcare workers na hindi pa nakakapag second booster shot, hinihikayat pa rin natin sila," sabi ni DOH Officer-in-Charge Maria Rosario Vergeire sa isang press briefing noong Martes, Disyembre 20.
“We cannot mandate for them to have the second booster and tell them you cannot work. We cannot do that as a precondition,” dagdag niya.
Kamakailan, sinabi ng DOH na 592,202 health workers sa bansa ang hindi pa nakakatanggap ng kanilang pangalawang booster shot ng bakuna laban sa Covid-19.
Gayunpaman, sinabi ni Vergeire na ang bilang ng mga manggagawang pangkalusugan na walang pangalawang booster ay hindi pa dapat ikabahala sa ngayon.
"As I've said the evidence really points that kapag naka first booster shot ka, it gives you more protection," she said.
"Nariyan pa rin ang proteksyon upang bantayan ka mula sa pagkakaroon ng malubha at kritikal na impeksyong ito," dagdag niya.
Sa kasalukuyan, ang pangalawang booster shot ay inirerekomenda lamang para sa mga health worker, mga taong may edad 50 pataas, at mga indibidwal na 18 hanggang 49 taong gulang.
Analou de Vera