Nagbigay ng ilang tips si Atty. Chel Diokno kung paano maiiwasan ang panibagong modus ng mga "identity thieves."
Ibinahagi niya ang ilang tips matapos niyang ishare sa kaniyang Facebook page ang isang insidente ng identity theft.
"Kung makatanggap ng tawag/mensahe mula sa nagpapakilalang puli, at sinabing suspect kayo sa imbestigasyon, I-kumpirma na pulis talaga ang kausap. Humingi ng gov't ID at isulat ang pangalan at affiliation (PNP, NBI, etc.). Kung hindi pumayag, politely say na hindi mo maitutuloy ang pag-uusap dahil hindi mo alam kung totoong law enforcer ito," saad ni Diokno.
"Tandaan na sa anumang imbestigasyon kung saan ikaw ay suspect- may karapatan kang humingi ng assistance ng abogado. Maaaring tumangging ituloy ang diskusyon hanggang mayroon nang abogadong gagabay sa iyo.
"Kung sabihing magpadala kayo ng pera, magduda na agad at kumonsulta sa abogado," paglalahad pa niya.
Maiiwasan daw na mabiktima ng isang scam basta raw manatiling kalmado at sigurado sa mga karapatan ng isang tao.
Nagbigay na rin ng babala ang National Telecommunications Commission (NTC) hinggil sa talamak ng scam messages na nag-aalok ng mga trabaho.