Maghaharap na sa finals ang Bay Area Dragons at Ginebra San Miguel matapos pataubin ng mga ito ang kani-kanilang kalaban sa pagsasara ng PBA Commissioner's Cup semifinals series sa Mall of Asia Arena sa Pasay nitong Miyerkules ng gabi.

Tuluyan nang tinapos ng Dragons ang San Miguel Beermen, 94-92, sa kanilang Game 4, sa pangunguna ng import nito na si Andrew Nicholson.

Nagsanib ng lakas sina Kobey Lam at Nicholson upang makuha ang bentahe kasunod ng kanilang tres, 2:45 na lang sa final period.

Tinangka pang humabol ng San Miguel, gayunman, hindi na pumabor sa kanila ang pagkakataon kaya tuluyang naiuwi ng Dragons ang laban.

SP Chiz, nais matukoy ang senador, driver na dumaan sa EDSA busway

Bukod kay Nicholson, kumana rin si Lam ng 26 puntos at 12 puntos naman kay Hayden Blankley.

Sa panig ng Beermen, humakot si CJ Perez ng 28 puntos, habang sina Devon Scott at Marcio Lassiter ay pumitas ng 25 at 14 puntos, ayon sa pagkakasunod.

Nauna nang nanalo ang Ginebra laban sa Magnolia kaya nakuha nito ang unang puwesto sa PBA Commissioner's Cup Finals.

Magsisimula ang best-of-seven series sa pagitan ng Gin Kings at Dragons sa Mall of Asia Arena sa Disyembre 25, dakong 5:00 ng hapon.