Pinupuntirya ng Department of Tourism (DOT)na maabot ang 4.8 milyong international visitor arrivals sa susunod na taon.
Inaasahang kikita ang pamahalaan ngUS$5.8 bilyon para sa panunumbalik ng sigla ng sektor ng turismo matapos ang halos tatlong taon ng pandemya ng coronavirus disease 2019 (Covid-19), ayon kayDOT Secretary Christina Frasco.
Sa datos ng DOT, nasa 2.46 milyong turista ang dumating sa bansa ngayong taon na nagbigay ng₱149 bilyong kita sa sektor.
Bukod dito, target ng gobyerno na malagpasan ang pre-pandemic figures ng mga dumadating na turista sa bansa bago sumapit ang 2025.
Sa pagtaya ngDOT kamakailan, hindi aabot sa walong milyong turista ang darating sa bansa hanggang 2025.
Dahil dito, nagpahayag ng pagkaalarma si Frasco at sinabing gagawa sila ng hakbang upang bumilis ang pagbangon ng sektor ng turismo sa bansa.