Naghain si Senator Raffy Tulfo ng panukalang batas na naglalayong isulong ang access sa de-kalidad na legal na edukasyon sa pamamagitan ng pagbibigay ng libreng tuition at iba pang bayarin sa paaralan sa mga karapat-dapat na mag-aaral sa state universities and colleges (SUCs).

Sa paghahain ng Senate Bill (SB) 1610, hinangad din ni Tulfo na madagdagan ang kakulangan ng manggagawa sa legal na propesyon sa pamamagitan ng pag-atas sa mga iskolar na magbigay ng mandatory return service sa loob ng dalawang taon sa Public Attorney’s Office (PAO) o anumang ahensya ng gobyerno na kulang sa abogado.

“One of the reasons for lack of access to justice in the Philippines is the shortage of practicing lawyers,” ang paliwanag na tala ng panukalang batas.

Dahil dito, ang SB 1610 ay naglalayong mag-ambag sa pag-akses sa hustisya ng mga marginalized na sektor.

National

4.5-magnitude na lindol, yumanig sa Surigao del Norte

Sa kasalukuyan, mayroong ratio ng isang abogado na naglilingkod sa humigit-kumulang 2,500 katao, na napakalayo sa perpektong proporsyon ng isang abogado para sa bawat 250 katao.

Habang naisabatas na ng Kongreso ang “Universal Access to Quality Tertiary Education Act of 2017” na nagbibigay ng libreng tertiary education sa mga bona fide students sa SUCs, sinabi ni Tulfo na ang mga law students ay hindi karapat-dapat na kumuha ng libreng tertiary education sa ilalim ng nasabing batas dahil sila ay bachelor's degree holders na.

Maramin law students, lalo na ang mga nagmula sa mahihirap na pamilya, ay hindi kayang maging abogado kung isasaalang-alang na nagkakahalaga ito ng humigit-kumulang P75,000.00 – P98,000.00 kada semestre para mag-aral ng abogasya sa mga nangungunang pribadong legal na institusyong pang-edukasyon.

Bukod dito, ang tuition fee sa mga state universities ay mula P24,000 hanggang P30,000.00, hindi kasama ang lahat ng gastusin sa pamumuhay at iba pang pangangailangan.

Sa ilalim ng SB 1610, ang Free Legal Education Programay sasakupin ang mga matrikula sa rate na inaprubahan ng SUC governing board, gayundin ang mandato ng gobyerno sa bar examination at licensure fees at iba pang bayarin sa paaralan kabilang ngunit hindi limitado sa mga bayarin sa library at mga bayarin para sa mga libro.

Ang lahat ng SUC na may programa sa batas ay dapat maging kwalipikadong ipatupad ang Batas na ito hangga't kapaki-pakinabang sa kanilang mga bonafide law na mag-aaral.

Mario Casayuran