Hindi sapat ang bilang ng mga propesyonal sa cybersecurity sa Pilipinas, pag-amin ni Department of Information and Communications Technology (DICT) Secretary Ivan John Uy sa isang press briefing ngayong Martes, Dis. 20.

Isa sa mga pangunahing alalahanin ng DICT ay ang palakasin ang kakayahan sa cybersecurity at cyberdefence ng bansa. Gayunpaman, inamin ni Uy na hanggang ngayon, kulang pa rin ang bilang ng mga cybersecurity expert sa Pilipinas.

“Kulang na kulang tayo. Sa totoo lang, kapag pinag-uusapan natin ang tungkol sa mga certified cybersecurity experts, nasa 200 lang sila sa bansa. Kumpara sa Singapore, na may humigit-kumulang 3,000. Napakaliit na bansa ang Singapore, pero ganon ang numbers nila,” ani Uy.

Sa tinatayang bilang ng 200 cybersecurity professionals sa Pilipinas, 30 percent lamang ang nasa bansa. Hindi bababa sa 70 porsiyento ay nagtatrabaho sa ibang bansa.

National

Ofel, mas humina pa habang nasa vicinity ng Gonzaga, Cagayan

Pagbuo ng interes, pagbuo ng mga kinakailangang talento

Maraming Pilipino, ayon kay Uy, ay may talento at, sa katunayan, may kaalaman pagdating sa larangan ng information and communications technology, ngunit karamihan ay hindi kuwalipikado sa trabaho dahil wala silang mga kredensyal o sertipikasyon.

Upang matugunan ang isyung ito, binigyang-diin ni Uy na ang departamento ay nagsusumikap na palakasin ang interes ng publiko sa larangan sa pamamagitan ng paglulunsad ng mga programa upang "agresibong magbigay ng teknikal na kaalaman."

“We are deploying skills upgrading in order to get our young people interested in the digital skills that will be necessary to answer the needs of our employers. The DICT is working with all our educational partners from the private sector as well as government institutions like Technical Education and Skills Development Authority (TESDA), Department of Education (DepED), and Commission on Higher Education (CHED) in order to deploy materials and certification programs,” pagpupunto ni Uy.

Bukod sa pagsasanay at panandaliang digital literacy programs, sinabi ni Uy na ang DICT ay umaasa na makapagbigay ng mga scholarship program para makapag-build up ng higit na kakayahan sa mga sumusunod na larangan: science, technology, engineering, at mathematics.

Charlie Mae F. Abarca