All-set na ang grupong Eraserheads para sa kanilang pinakahuling reunion concert sa Huwebes, Dis. 22.

Tatlong araw bago nito, naglabas naman ng dagdag na mga paalala ang grupo sa mga dapat dalhin ng concertgoers sa araw ng concert.

Kabilang dito ang pisikal na kopya ng tiket, kapote, vaccination card at isang valid ID.

Nasentensyahang si Mary Jane Veloso, babalik na sa Pilipinas—PBBM

Mahabang listahan naman ng mga ipinagbabawal na kagamitan ang haharangin sa concert venue kabilang ang armas o firearms, tubig o pagkain na nabili sa labas, flammable materials at ilegal na droga.

Dagdag dito ang anumang bag o backpack na mas malaki pa sa 12x12 pulgada, foldable stool o chair, recording equipment maliban sa mobile camera, at full-sized o foldable na payong.

Bawal din ang kandila at anumang uri ng paputok, banners, helmet, selfie stick, at alagang hayop.

Basahin: Concert ng Eraserheads sa Disyembre, ‘last reunion’ na ng grupo – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Sa SMDC Festival Grounds sa Paranaque gaganapin ang much-anticipated reunion concert.

Ang Eraserheads ang tinaguriang pinakamatagumpay na banda sa kasaysayan ng original Pinoy music (OPM) scene.

Taong 2002 nang mag-disband ang grupo matapos ang labintatlong taon.

Kilala ang grupo sa mga kantang “Ligaya,” “Pare Ko,” “Magasin,” “Alapaap,” “Ang Huling El Bimbo,” bukod sa iba pa.