Maraming concertgoers at fans ng K-pop powerhouse na SEVENTEEN ang nagpahayag ng kanilang pagkabahala sa naramdamang pagyanig ng Philippine Arena sa kasagsagan ng “Be The Sun” concert ng grupo kamakailan.
Jam-packed ng nasa mahigit 50,000 attendees ang pinakamalaking indoor arena sa buong mundo sa pagbabalik ng K-pop group noong Sabado, Dis. 17 sa bansa.
Bagaman memorable sa maraming CARAT, o tawag sa fans ng grupo, ilang concertgoers naman ang nagpahayag ng pagkabahala sa naramdaman at literal na pagyanig ng arena sa kasagsagan ng concert.
Partikular na ibinahagi ng fans ang pagdagundong ng arena nang kantahin ng grupo ang global hit na “Aju Nice” na sinabayan pa ng pagtalon ng libu-libong fans.
Sa esensya gayunpaman, ang naramdamang pagyanig ng arena sa dagundong ng talon at sigaw ng fans ay isa sa kamangha-manghang katangian ng tinaguriang isa sa pinakamatibay na gusali sa buong mundo.
Inihambing sa puno ng nara, at kilalang nipa hut, ang arena ayon na rin sa paglalarawan ng engineering firm na Buro Happold na siyang utak ng disaster-proof na gusali, ay sumisimbolo rin sa tibay, lakas at ‘di matitinag na diwa ng mga Pilipino.
“Philippine Arena's vast stadium roof, spanning170m, was engineered to withstand severe transient loadings such as earthquakes, winds, and typhoons. During an earthquake, the lateral loads that generatethroughout the structure can reach up to40%of its mass,” paglalarawan ng isang engineering blog.
Ito rin ang malinaw na dahilan sa naramdamang pagyanig sa estruktura, partikular na sa “base and foundation system” nito habang nananatiling intact ang tuktok na bahagi ng gusali.
Sa kabuuan, malinaw na habang literal na yumanig ang arena, garantisado naman ang kaligtasan ng concertgoers pati na ang pinakamalalaking audience ng global K-pop groups kagaya ng SEVENTEEN.
Ang 13-member K-pop powerhouse ang kauna-unahang Korean group na nagtanghal sa Philippine Arena.
Ang Bulacan leg ng “Be The Sun” concert ang ika-29 sa nagpapatuloy na world tour ng SEVENTEEN.