Nagpahayag ng kaniyang pagkadismaya ang komedyanteng si Dennis Padilla sa isang seafood restaurant na nasa seaside, dahil sa nakalululang presyo ng mga pagkain dito, ayon sa kaniyang Instagram post noong Disyembre 17.

Ang naturang IG post ay may caption na "Kawawa… Kapwa Filipino…"

Ayon kay Dennis, sa naturang resto nila piniling kumain ng kaniyang balikbayang kaibigan, subalit huli na dahil ang mahal-mahal naman pala raw ng mga pagkain dito.

Ang isang inuming shake daw ay nagkakahalagang ₱450, at ang per kilo naman ng lobster ay ₱5,500.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

"Nakaka-frustrate, nakakalungkot… kasi kapwa Pilipino, ganun ang ginagawa nila. Kung pupunta kayo rito, tanong n'yo muna kung magkano yung price… sobra… kami sanay kaming magbayad nang mahal, pero ito sobra…" saad pa ni Dennis.

Ipinakita pa ni Dennis ang resibo ng kanilang bill, na binayaran ng kaniyang balikbayang kaibigan. Nagbayad sila ng tumataginting na ₱38,868 sa naturang kainan!

Nahihiya umano siya sa kaniyang kaibigan dahil ito ang nagbayad sa kanilang kinain, at nasaktan siya dahil parang sinasamantala raw ng resto ang holiday season at pagkain doon ng mga nagtrabahong Pilipino sa ibang bansa. Giit ni Dennis, sana ay hindi na nila ito gawin sa iba pang mga OFW na darating o papauwi sa Pilipinas ngayong holiday season.

"Kung puwede, sana i-check ito ng Department of Tourism, na maraming mga kapwa nating Pilipino ang pinaghihirapan ang kinikita nila sa ibang bansa, tapos para silang naholdap sa restaurant na ito."

Nagkomento naman dito ang kaibigang singer-actor ni Dennis na si Janno Gibbs.

"Grabe naman presyo!"

"7 pax kami…" tugon ni Dennis.

Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa mga netizen.

"I appreciate na ipinaalam mo dito sa IG mo for public awareness. They're taking advantage of the people."

"Halos $700 yong bill? Susme, eh dito namamahalan na ako sa $40 na bill para sa dalawa. Grabe."

"Hindi na lang I'd rather eat sa 5 star hotel makapag-buffet na lang kaysa magbayad ako ganyan kalake dami pa naman namen sa family."

"Lesson learned po magtanong muna how much po yung oorderin n'yo or tingnan ang menu price ganiyan po talaga mamahalan kayo lalo na kung alam na balikbayan kayo."

Samantala, wala pang tugon o pahayag ang restaurant tungkol dito.