Isinusulong ng isang kongresista nabigyan ng dagdag nayear-endbonus ang mahihirap na senior citizen sa bansa laluna sa panahon ng Kapaskuhan.

Sa House Bill 6693 na akda ni Quezon City Rep. Patrick Michael Vargas, pinapadagdagannito ang mga benepisyo ng mga nakatatanda sa ilalim ng Expanded Senior Citizens Act at sa bagong batas na Expanded Social Pension for Indigent Senior Citizens Act (Republic Act 11916).

Sa “Paskong Maligaya para kay Lolo’t Lola Bill,” ang mga nakatatandang pensioners ay tatanggap na karagdagang P1,000, bukod pa sa buwanang P1,000 allowance sa ilalim ng Social Pension for Indigent Seniors program, na babayaran bago ang ika-25 ng Disyembre bawat taon. 

"Our senior citizens have contributed so much to our country and most have remained capable of supporting their families and grandchildren. This holiday season, let us grant the wish of our lolos and lolas to be granted more benefits through a year-end or Christmas bonus,” sabi pa ng mambabatas.

National

Ping Lacson, kinilala ambag nina PNoy, PBBM sa estado ng kaso ni Mary Jane Veloso