Kasabay ng kaliwa’t kanang pagbabago sa imahe ng Miss Universe ang bago rin nitong korona na maisusuot ng mapalad na kandidata sa ika-71 na edisyon ng prestihiyusong kompetisyon sa Enero 14, 2023.
Sa kauna-unahang pagkakataon, inilantad na nga ng JKN Global Group nitong Lunes, ang tinatayang nasa USD6 million o nasa mahigit P330 million na pinakabagong korona na sumisimbolo sa pamosong “beautifully confident” na mantra ng organisasyon.
Ang koronang disenyo ng Mouwad ay tinawag na “For For Good.”
“FORCE FOR GOOD Crown is an exceptionally beautiful crown that stands for a graceful reincarnation of The Miss Universe Organization’s long-standing values and heritage as a guiding light, shining bright to the future glory,” anang billionaire owner ng Miss Universe na si Anne Jakrajutatip, Lunes.
Ang “Force for Good” ang ika-12 korona sa kasaysayan ng Miss Universe.
Sa ngayon, ang tanong na lang ng fans – sino ang magsusuot sa prestihiyusong korona sa darating na Enero?
Gaganapin ang 71st Miss Universe sa New Orleans, Louisiana sa Amerika.