Sa kauna-unahang pagkakataon, nasilayan ng followers ni Michelle Madrigal sa kaniyang YouTube channel ang bago niyang boyfriend na si Kyle.

Tampok ng aktres ang foreigner na boyfriend sa patok na couple gimik na “He Said, She Said.”

Pagsisiwalat nga ni Michelle, sa online dating app muli niya nahanap ang bagong pag-ibig.

“Obviously, hindi ako masyadong lumalabas being a single mom. Nag-swipe siya and then ako rin, then we started chatting,” pagbabahagi ng aktres.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Una nito, isa rin sa nagustuhan ni Michelle ay ang hayag nitong profle photo kasama ang mga anak, pagbibigay ideya sa kaniya na isa rin itong single parent.

Dagdag niya, agad rin napag-usapan nila ni Kyle ang “big issues” sa kanilang unang date agad.

“I think the reason why [we clicked] was because we were able to talk about [our] past relationships and why [we are] single parents,” anang aktres.

“I think it’s really important for me, especially after the divorce. Importante sa akin na ‘yung ide-date ko next time would really understand my situation and ‘yung past ko,” malinaw na saad niya pa.

Matatandaang noong Agosto nang maging Instagram official sina Michelle at Kyle, apat na buwan matapos ang diborsyo ng aktres sa dating mister na si Troy Woolfolk.

Basahin: ‘Him!’ Michelle Madrigal, flinex ang bagong jowang afam – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Gayunpaman, tila napanatili ang maayos na co-parenting relationship nina Michelle at Troy nang maispatan ang dalawa noong Agosto kasama si Kyle, at ang kanilang mga chikiting.

Samantala, tila suki naman ng kadalasa’y pinagdududahang online application si Michelle para sa bagong shot at love nito.

Noong 2020 kasi nang ibinahagi rin ng aktres ang paraan ng pagtatagpo nila ng ngayo’y ex-husband.

Anang netizens nga, ang aktres ang panibagong Santa ng dating apps!