Patuloy na bumababa ang naitatalang seven-day COVID-19 positivity rate sa ilang lugar sa bansa, kabilang na ang sa National Capital Region (NCR).

Sa datos ng independiyenteng OCTA Research Group, na ibinahagi ni Dr. Guido David, nabatid na ang COVID-19 positivity rate sa NCR ay bumaba sa 13.9% noong Disyembre 17, mula sa dating 14.4% noong Disyembre 10. 

Ang positivity rate ay ang porsiyento ng mga taong nagpopositibo sa COVID-19, mula sa bilang ng mga indibidwal na isinailalim sa pagsusuri.

Hindi lamang naman aniya ang Metro Manila ang nakikitaan ng pagbaba ng positivity rate kundi maging ang karamihan ng mga lalawigan sa bansa.

National

De Lima, nag-react sa pahayag ni Espinosa na si Bato nag-utos na idiin siya sa illegal drugs

“Ang nakikita natin sa Metro Manila, bumaba ang positivity rate niya. Bumababa na siya from 14.4% to 13.9%. Nagsisimula na rin siya bumaba in most provinces in the Philippines. Iilan na lang ‘yung tumataas ang positivity rate,” ani David, sa isang public briefing.

Sinabi ni David na maaaring bunsod ito ng posibleng pagtatapos na ng Omicron BQ.1 wave sa bansa.

Gayunman, may ilang mga lugar aniya ang maaaring magkaroon pa nh pagataas ng COVID-19 infections, gaya ng nga hindi pa napapasok ng BQ.1.

“It looks like the BQ.1 wave is receding in time for a Happy Holiday,” tweet naman ni David.

Nakatulong rin aniya ang paglakas pa ng wall of immunity ng publiko laban sa virus, dahil na rin sa nagpapatuloy na pagbabakuna ng pamahalaan sa mga mamamayan at paggamit ng face masks, kahit pa opsiyonal na ito.

Nabatid na sa Luzon, kabilang sa nga lalawigan na nakapagtala ng pagbaba ng positivity rates ay ang Albay, Batangas, Benguet, Cagayan, Camarines Sur, Cavite, Ilocos Norte, Ilocos Sur, Isabela, Kalinga, La Union, Mountain Province, Nueva Ecija, Pampanga, at Pangasinan.