Matapos ang mahabang panahon, bubuksan na sa publiko ang isa sa pinakakinatatakutan, at pinakaiiwasang ng mga lokal na residente sa lungsod ng Baguio, ang Laperal White House.

Viral na usap-usapan ngayon online ang napipintong pagbubukas ng bantog na “Laperal White House” sa patok na destinasyon sa a City of Pines.

Unang naiulat ang renobasyon sa puting Victorian architecture-inspired mansion nitong unang linggo ng Disyembre. Ipakikilala ito at bubuksan bilang “upscale dining restaurant.”

At kamakailan nga, muling lumutang ang pamosong mansion na nakatakdang magbukas sa darating na Disyembre 26.

'Iconic women!' Pinakamalaki at pinakamaliit na babae sa buong mundo, nagkita!

Kaliwa’t kanang nakakaaliw na reaksyon naman ang mababasa sa ngayo’y viral post ng isang residenteng nakatira malapit sa kinatatakutang mansyon.

Pabirong paglalarawan kasi nito, ang tinuturing na “Haunted House” ay maghahatid ng panibagong kababalaghan sa publiko.

“Kung wala kang ka-date, malamang may makakatabi ka naman dun sa tabi tabi. Malay mo makita mo bigla sa CR,” pabirong saad ni Darwin Dela Cruz sa ngayo'y viral post sa Facebook.

Sinegundahan pa ito ng marami pang hirit ng netizens sa comment section.

“Kung wala kang ka-date, malamang may makakatabi ka naman dun sa tabi-tabi. Malay mo makita mo bigla sa cr?” pabirong tanong ng isa pa.

“Yung pagkatapos mag-serve sayo nung waiter ayun lumusot sa dingding!” laugh trip na gatong pa ng dagdag na komento.

“Bawal di mag bayad malamang susundan ka!”

“Yung tinawag mo yung waiter kasi angtagal ng order mo. Tapos ang sagot nya sayo, ‘Ano pong order? Wala pa po kayong naorder.’"😆

“Imbes na tip ang hingin sayo eh tulong n lang daw para makamit ang hustisya hahaha!”

“Yung nagpagpag ka dyan tapos imbis na iiwan mo kaluluwa nag-aya pa ng iba para sumama!”

Pinaniniwalaang itinayo ang bahay noon pang 1920's sa pangangalaga ng pamilya Laperal nina Don Roberto at Doña Victorina.

Ayon sa mayamang kuwento ng lugar, ang mansyon ay naging saksi rin sa kaliwa’t kanang trahedya ng mga Laperal na nauwi sa pagpanaw ng lahat ng miyembro nito sa iba't ibang bahagi ng bahay.

Basahin: Pugad ng ligaw na kaluluwa? Kababalaghan sa magbubukas na Laperal White House sa Baguio, diskubrehin – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Dagdag nito, nagsilbi rin umanong garison ang mansyon ng mga Hapong sundalo noong kasagsagan ng World War II.

Naging suki na rin sa ilang palabas sa telebisyon tuwing Halloween ang pamosong bahay na naitampok na sa iba’t ibang programa, dokumentaryo sa parehong ABS-CBN at GMA 7.

Taong 2010 nang ilabas din ang pelikulang “White House” tampok ang mga kababalaghan sa bantog na mansyon.