Matapos ang 21 taon, nagbitiw na sa GMA Network ang isa sa mga TV host/presenter/reporter na si Love Añover, ayon sa kaniyang Facebook post nitong Biyernes, Disyembre 17.

Kalakip ng kaniyang Facebook post ang mga kuhang litrato niya sa gusali ng Kapuso Network sa Kamuning, Quezon City.

"BUONG PUSONG PASASALAMAT SA DALAWAMPU'T ISANG TAON BILANG KAPUSO," saad ni Love.

"HINDI LANG BUHAY KO ANG NABAGO NG PAGKAKATAON NA IBINIGAY NG GMA NETWORK, KUNDI KASAMA PO ANG AKING BUONG PAMILYA!"

Love Añover, nagpaalam na bilang Kapuso; usap-usapang mag-oober da bakod

"TINUPAD PO NINYO ANG AKING PAGNANASA BILANG PANGANAY NA ANAK, NA MABIGYAN NG DISENTENG BUHAY ANG AKING MGA MAGULANG, MGA KAPATID AT MGA PAMANGKIN MULA SA BUHAY NA NAGDARAHOP AT WALANG-WALA!"

Pinasalamatan ng "Unang Hirit" host ang kaniyang mga naging boss, co-hosts, at kasamahan sa Kapuso Network na naging bahagi siya.

"TO ALL MY GMA BOSSES, CO-HOSTS AND COLLEAGUES OF ALL THE SHOWS I WAS PART OF - - YAKAAAAAAAAP NANG MAHIGPIT NA MAHIGPIT!"

"WAGAS NA PASASALAMAT!"

"I WILL BE THANKING PEOPLE IN THE COMMENT SECTION, BECAUSE FB DOESN'T ALLOW MORE THAN 50 TAGS IN A POST! SILA ANG MGA TAO NA ALAM KONG ITINALAGA NG PANGINOON NA TULUNGAN AKO PARA MAISAKATUPARAN NIYA ANG KANYANG MGA PLANO PARA SA AKIN! ANGELS ON EARTH!"

"LORD, SALAMAT PO!"

Bagama't hindi binanggit ang dahilan ng pag-alis sa home network, usap-usapang lilipat umano si Love sa NET25, bagama't wala pang kumpirmasyon kung totoo ba ito.

Bago ang naturang FB post, nakapagpaalam na siya sa UH at nagbigay na sa kaniya ng goodluck message ang kaniyang co-hosts.

Samantala, sa latest FB post ni Love ay ibinahagi niyang NET25 na ang kaniyang bagong tahanan.

Pinalitan na rin niya ng "TV host at NET25" ang kaniyang profile sa FB.

Sa kaniyang mahabang post ay pinasalamatan ni Love ang kaniyang dating bosses sa GMA at kasalukuyang bosses sa NET25, gayundin ang mga taong personal na naging bahagi ng kaniyang hosting career.

Nagsimula si Love bilang intern sa Kapuso Network hanggang sa maging production assistant.

Dahil sa angking galing sa pagsasalita at pagiging kuwela na rin, binigyan siya ng pagkakataong maging reporter sa kalsada, kagaya ng daloy ng trapiko sa iba't ibang lansangan sa Metro Manila, gayundin sa ulat-panahon.

Nakilala siya sa kaniyang sundot na hirit na "And everything!"