Sa nalalapit na pagbubukas ng 2023, nagbigay ng patikim ang ABS-CBN sa mga programang dapat abangan sa kanilang network, Linggo ng gabi, Disyembre 18, 2022.

Isa sa gumulat sa mga Kapamilya ang pag-anunsyo ng bagong season ng singing-reality TV show na “The Voice Kids” kung saan sasamahan ng dati nang coach nitong si Bamboo, ng mga bagong coach na sina Asia’s Soul Supreme KZ Tandingan at Concert King Martin Nievera.

National

PH History, ibabalik na bilang subject sa high school?

https://twitter.com/PBBKumunity/status/1604479509016690690

Halo-halo naman reaksiyon ng netizens sa pagpapalit ng coaches sa nasabing programa.

"Na-excite ako kay KZ hahaha."

"Sabi ko na sa inyo mga accla true ang chika sa akin sa The Voice Kids HAHAHAHAHHAHAHAHA. Sorry pero nangangamoy Flop na agad-agad sa true lang."

"Sinong bagets naman ang pipili kay Martin jusko hahaha."

"Okay pa si KZ, deserve na deserve, pero bakit naman si Martin? No offensement. May pipili ba sa kaniya?"

"As a fan of Bamboo, okay ako sa bagong set of coach sa the voice kids."

"No Sarah Geronimo and Lea Salonga for next year's The Voice Kids 💔 I so love KZ, I think that she's one of today's best performers. However, we cannot hide the fact that the Lea-Sarah-Bamboo team is topnotch."

Dahil dito, trending na sa Twitter si "Coach Lea" at marami ang nagsabing sana raw ay idagdag siya sa line-up, kung hindi talaga uubra si Popstar Royalty Sarah Geronimo.

Screengrab mula sa Twitter