Pinarangalan ng Quezon City government ang dating ground commander ngPhilippine National Police-Special Action Force (PNP-SAF) na sumagupa sa mga terorista sa Mamasapano sa Maguindanao na ikinasawi ng 44 sa mga tauhan nito noong2015.
SiLt. Col. Raymund Train ay binigyan ng 'Bayani ng Bayan' award ngQuezon City-People's Law Enforcement Board (PLEB)sa city hall nitong Lunes, Disyembre 19.
Ito ang unang pagkakataong nagbigay ng pahayag si Train sa publiko kaugnay ng insidente sa Mamasapano matapos makumbinsi ng pamahalaang lungsod.
“With pride and gratitude, I accept this award, not just for myself, but also to give honor to my brothers in arms who painstakingly gave the ultimate sacrifice in exchange for lasting peace to the whole Filipino people,” pagdidiin ni Train.
Sa kabila ng pagkamatay ng 44 na tauhan, ipinagpatuloy pa rin ang operasyon na ikinasawi niMalaysian international terrorist at bomb makerZulkifli bin Hir, alyas Marwan, saBarangay Tukanalipao.noong Enero 25, 2015.
Philippine News Agency