Inaasahang bababa ang presyo ng karne ng baboy sa susunod na taon, ayon sa pahayag ng Department of Agriculture nitong Lunes.

"Kung nakikita natin ang meat products at liempo na nasa ₱380-₱400, ngayon naglalaro na sa ₱340, ₱320. Siguro, we'll probably be expecting bababa rin 'yan sa ₱300-₱320 ganoon," pahayag ni DA Undersecretary Mercedita Sombilla sa panayam sa telebisyon.

Gayunman, asahan na aniya ang pagbaba ng presyo nito sa susunod na taon.

"Total economy talaga ang maaapektuhan kaya sa DA, together with our operating units, we are trying to balance importation as well as production so we can stabilize and lower prices," anang opisyal.

National

Dr. Edsel Salvana, nakatanggap ng 'Innovation Excellence Award for Research' mula sa PhilDev

Nitong Lunes, iniharap ng ahensya ang kanilang year-end accomplishment report at agricultural outlook para sa susunod na taon.