Hindi magdedeklara ng tigil-putukan ang Communist Party of the Philippines (CPP) ngayong Kapaskuhan kahit na namayapa na ang kanilang founding chairman na si Jose Maria Canlas Sison kamakailan.

Ito ang pagmamatigas ng CPP nitong Lunes, Disyembre 19, at sinabing walang dahilan upang magpatupad sila ng tigil-putukan, lalo pa't ipagdiriwang nila sa Disyembre 26 ang ika-54 anibersaryo ng pagkakatatag ng kilusan.

Kamakailan, inihayag ng CPP na magsasagawa sila ng mga pag-atake laba sa tropa ng pamahalaan sa panahon ng pagluluksa nila sa pagpanaw ni Sison.

Nitong nakaraang linggo, tiniyak ng militar na hindi sila magdedeklara ng ceasefire laban sa mga rebelde kahit Christmas season.

National

Dr. Edsel Salvana, nakatanggap ng 'Innovation Excellence Award for Research' mula sa PhilDev

Kaugnay nito, sinabi naman ng Armed Forces of the Philippines(AFP) na desisyon na ng pamilya ni Sison kung iuuwi nila sa bansa ang labi nito upang mailibing nang maayos.

“We cannot speculate yet on what the decision of the immediate family…Maybe we should ask them first where they want to bury the remains of Professor Sison,” pahayag ni AFP acting spokesperson Medel Aguilar sa isinagawang pagpupulong nitong Lunes.