Nasa 328 preso ang pinalaya na mula sa New Bilibid Prison (NBP) at Davao Prison and Penal Farm, ayon Bureau of Corrections (BuCor).

Sinabi ng BuCor, ang mga nasabing preso o persons deprived of liberty (PDL) ay sabay-sabay na pinakawalan nitong Lunes, Disyembre 19.

Umabot sa 118 ang pinakawalan ng NBP at 76 naman ang pinalaya ng Davao Penal Colony (Dapecol).

Nilinaw ng BuCor, pinalabas ng bilangguan ang 129 sa mga ito sa pamamagitan ng parole, 154 naman ang nakapagsilbi na ng sintensya at naabsuwelto naman sa kaso ang walong iba pa.

National

Dr. Edsel Salvana, nakatanggap ng 'Innovation Excellence Award for Research' mula sa PhilDev

Kabilang din sa mga ito ang 33 na senior citizen.

Ang hakbang ay bahagi ng decongestion program ng pamahalaan sa mga bilangguan sa bansa.