Tumaas na rin ang presyo ng litson sa La Loma sa Quezon City habang papalapit ang Pasko.
Sa isang television interview, binanggit ng mga may-ari ng litsunan na nasa ₱8,000 ang presyo ng pinakamaliit ng litson na aabot lang sa walong kilo, habang ang 20 kilo nito ay nasa ₱20,000, tumaas ng ₱2,000 mula sa dating presyo na ₱18,000.
Binanggit ng mga ito na tumaas ang presyo ng litson dahil sa gastos sa transportasyon at permit mula sa Bureau of Animal Industry nng Department of Agriculture (DA).
Anila, galing pa sa probinsya ang mga baboy na ginagawang litson.
Inaasahang lolobo pa ang presyo ng litson mula₱1,000 hanggang₱5,000 depende na rin sa bigat nito habang papalapit ang Pasko.