Dismayado umano ang mga netizen at viewers ng sa CGI o computer-generated imagery sa ilang mga eksena ng "Mars Ravelo's Darna The TV Series", partikular sa isang eksena kung saan lumilipad umano si Darna at tila lalapain ito ng isang malaking ahas na may matatalim na ngipin, mula sa likuran ni Valentina.

Kinalap ng entertainment site na "Fashion Pulis" ang iba't ibang mga tweets ng dismayadong netizens sa CGI ng palabas, at naikumpara pa sa mga ginagamit na effects noong dekada 80s at 90s.

Isa nga sa mga nagbahagi nito ay ang Twitter account na "Kabulastugan".

"Thank you group 1," caption nito.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

https://twitter.com/kblstgn/status/1603913539089047554?ref_src=twsrc%5Etfw

Maging sa comment section ng ABS-CBN Entertainment ">YouTube channel ay makikita rin ang pagkadismaya ng mga netizen sa tapatan nina Darna at Valentina.

Tanong ng mga netizen, bakit kung kailan 2022 na raw ay tila paurong naman ang graphic effects ng palabas?

"Di pa rin talaga kaya ng Pinoy makipagsabayan. Wag na sana i-remake kung ganito rin lang."

"Kaya ng mga Pinoy, sadyang ganyan lang kaya ng budget HAHAHAHAHA. Para kang nagpabili ng birthday cake pero bente lang inabot mo, lemon square cupcake lang mabibili non HAHAHAHAHA."

"On top of that, napaka-badly written pa ng Darna na ito. Di consistent ang scale ng power, yung costumes di rin maganda ang design at pagkagawa. Parang binaboy talaga tulad lang din nung Dyesebel ni Anne Curtis eh. Ilang years pa naman preparation dito."

"Kaya naman… problem is, one day shoot at edit daw dahil sa audience kineme… kaya ganiyan ang nagiging quality ng mga epek ng teleserye natin."

Sa kabilang banda, may mga netizen din naman ang nagtanggol sa action-fantasy series na may magaganda rin namang eksena na maayos at kabilib-bilib ang CGI. Isa pa, bawing-bawi naman daw sa storyline at pag-arte ng mga artista.

"Pero ibang scenes maganda naman. Hindi n'yo naappreciate pag may maganda puro lang hanap mali haha. Maganda nga CGI ng iba eh pero aminado ako palpak sa part na 'yan."

"If you guys know how CGI workers are so underpaid, you’ll know the reason why. Imagine having to animate each day per episode in contrast to series in other countries where they release it weekly. This applies to all CGI workers regardless of kung anumang station."

"Kumpara n'yo naman sa mga naunang Darna series, mas katanggap-tanggap naman CGI nito."

"Kung sana hindi tinanggalan ng prangkisa, may mas mataas na budget pa sana. Kung may mas mataas na budget, mas maganda pa siguro ang quality ng CGI. Hindi naman ganito kapangit ng CGI nila noong may prangkisa at mas mataas na kita sila ah."

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag ang JRB Creative Production at ABS-CBN tungkol dito.