Ginamit ng San Miguel Beermen ang kanilang lakas upang makaiwas sa pagwalissana ng Bay Area Dragons sa PBA Commissioner's Cup semifinals series sa PhilSports Arena sa Pasig nitong Linggo ng gabi.

Naubusan ng apoy ang Dragons nang itumba ng Beermen, 98-96, sa pamumuno ng import na si Devon Scott.

Humakot si Scott ng 25 puntos at 24 rebounds kaya magkakaroon pa ng Game 4 sa Mall of Asia Arena sa Miyerkules.

Nasa 10.8 segundo na lang sa final period nang maisalpak ni Simon Enciso ang kanyang tres.

Romualdez, nanawagan sa Kamara: 'Let us reject baseless accusations!'

Dahil dito, nabuhayan ng loob si Scott nang tapalin nito paganting lay-up ni Hayden Blankley hanggang sa maiuwi ng Beermen ang panalo.