Isang panalo na lang ang kailangan ng Ginebra San Miguel upang makapasok na sa PBA Commissioner's Cup Finals.

Ito ay nang padapain ng Gin Kings ang Magnolia Hotshots, 103-80, sa Game 3 ng kanilang best-of-five series sa PhilSports Arena sa Pasig City nitong Linggo ng gabi.

Pinangunahan ni Justin Brownlee ang Gin Kings sapagratsadasa second quarter kung saan tuluyan na silang lumayo hanggang sa maipanalo ang laban.

Humablot si Brownlee ng 38 puntos kung saan nakakuha rin ng suporta kina LA Tenorio (20 puntos), Scottie Thompson (12 puntos). at Christian Standhardinger na kumana ng walong puntos.

Romualdez, nanawagan sa Kamara: 'Let us reject baseless accusations!'

Si Jio Jalalon naman ang nanguna sa Magnolia sa nahablot na 16 puntos na sinegundahan naman 10 puntos ng import na si Nick Rakocevic.

Taglay na ngGinebra ang rekord na 2-1, panalo at talo.

Inaasahang tatapusin na ng Ginebra ang serye sa pagtatapat muli nila ng Hotshots para sa Game 4 sa Mall of Asia Arena sa Pasay City, nitong Miyerkules, Disyembre 21, dakong 3:00 ng hapon.