Matagumpay na naisagawa ng gobyerno ang resupply mission sa Ayungin Shoal kung saan nakapuwesto ang mga sundalong nagbabantay sa teritoryo ng bansa.

"The Wescom (Western Command) of the Armed Forces of the Philippines announced the completion of another resupply mission on December 17 to troops manning the BRP Sierra Madre, which is grounded in Ayungin Shoal in the WPS (West Philippine Sea)," pahayag ng militar.

Ito ay sa kabila ng pagbabantay ng mga barko ng China Coast Guard sa naturang teritoryo ng bansa.

"The Chinese radio challenges would claim that the sea area near the Philippine ship is 'under the jurisdiction of the People's Republic of China,' that they are allowing supplies to be delivered, and warned that bringing construction materials will be dealt with," ayon sa WesCom.

Kaugnay nito, binanggit naman niWescom commander Vice Admiral Alberto Carlos, ang kahalagahan ng pananatili ng BRP (Barko ng Republika ng Pilipinas) Sierra Madre malapit sa military garrison ng Chia sa Mischief Reef.

Ang BRP Sierra Madre ay nagsisilbing outpost o military facility ng bansa na malapit lang sa Palawan.

"The Mischief garrison is in our country's exclusive economic zone and is China's closest military facility to Palawan. That is why resupply missions are critical in maintaining our presence in Ayungin," sabi pa ni Carlos.

Philippine News Agency