Pitong magkakamag-anak ang nasawi matapos makulong sa nasusunog nilang bahay sa Muntinlupa City nitong Sabado ng umaga, pitong araw bago sumapit ang Pasko.

Ito ang kinumpirma ni Muntinlupa City fire marshal Supt. Eugene Briones at sinabing kinikilala pa nila ang mga namatay sa insidente.

Sa paunang pagsisiyasat ng Bureau of Fire Protection (BFP), ang insidente ay naganap sa isang residential area sa Bruger Subd., Barangay Putatan dakong 8:56 ng umaga.

Ang mga nasawi aniya ay natagpuan sa ground floor at ikalawang palapag ng bahay.

Metro

Tinatayang 14,000 kapulisan, nakahanda na para sa Traslacion 2025

Tatlong iba pa na kasamahan ng pitong nasawi ang patuloy pang hinahanap mga awtoridad.

Umabot lang sa ikalawang alarma ang sunog na naapula dakong 10: 25 ng umaga.

Under investigation pa ang insidente, ayon pa sa BFP.