Ipinanukala ng isang kongresista na pagkalooban ng 20 porsyentong diskwentosa toll fee ang mga senior citizen sa bansa.

“Senior citizens who own motor vehicles deserve special access to skyways and expressways, including a 20 percent reduction in toll charges,” ayon sa pahayag ni Quezon City Rep. Marvin Rillo nitong Linggo.

Aniya, nakapaloob sa kanyang House Bill 5277 na dapat bigyan ng 20 percent discount ang mga senior citizen sa pamamagitan ng radio frequency identification (RFID) kapag sila sa tollways.

Hinihiling nito sa mga senior citizen na magsumite lamang ng kopya ng kanilang ID card sa mga expressway o skyway operator kapag mag-a-apply para makabitan ng RFID sticker.

Metro

Sa dami ng nagkakasakit: ER sa ilang ospital sa QC, puno na sa pasyente

"Our measure seeks to give more meaning to the mandate of the 1987 Constitution for the State to prioritize the rights and welfare of the elderly,” banggit pa ng kongresista.

Philippine News Agency