Walang nanalo sa jackpot ng 6/55 Grand Lotto na aabot sa ₱78.4 milyon sa naganap na draw nitong Sabado ng gabi.

Sa abiso ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), hindi nahulaan ang winning combination na 33-38-29-08-13-50 na may katumbas na premyong ₱78,477,700.40.

Binobola ang 6/55 Grand Lotto tuwing Lunes, Miyerkules at Sabado.

Matatandang naging kontrobersyal ang pagkakapanalo ng 433 mananaya sa 6/55 Grand Lotto draw nitong Oktubre 1 matapos tamaan ang ₱236 milyon.

National

Dr. Edsel Salvana, nakatanggap ng 'Innovation Excellence Award for Research' mula sa PhilDev

 Sabay-sabay na nahulaan ng mga ito ang winning combination na 09-45-36-27-18-54.