Inilabas ng Professional Regulation Commission (PRC) ang resulta ng Licensure Examination for Teachers (LET) na naganap noong Oktubre kung saan 49,783 sa 91,468 o 54.43% sa mga kumuha ng exam ang nakapasa para sa elementary level at 71,080 sa 139,534 o 50.94% naman para sa mga kumuha ng secondary level.

Kabilang sa mga nakapasa ay ang magkakapatid na sina Gerald James “Dors” Lustan, Cherry Anne Lustan, at Christine Mae Lustan mula sa Bulan, Sorsogon sa Bicol.

Screenshot mula sa PRC website

Human-Interest

ALAMIN: Ang 2025 sa ilalim ng Year of the Wooden Snake

Christine Mae Lustan (Larawan mula kay Gerald James “Dors” Lustan)

Ang pambihirang tagumpay na ito ng magkakapatid ay isa umanong malaking Christmas gift at answered prayer dahil lahat sila ay second timers na sa pagkuha ng LET.

Cherry Anne Lustan (Larawan mula kay Gerald James “Dors” Lustan)

“After ‘di makapasa sa first take nag-focus kami sa trabaho tapos ngayon nag-decide kami na mag-self review ulit. Best Christmas gift ito sa amin kasi successful ang aming second attempt,” lahad ni Dors sa isang panayam sa Balita Online.

Gerald James “Dors” Lustan (Larawan mula kay Gerald James “Dors” Lustan)

Dagdag pa niya, naging inspirasyon ang kanilang ate na si Mary Claire Lustan, na siyang una nang nakapasa sa LET taong 2014.

“Siyempre gusto talaga namin masundan yung achievement ng ate namin kaya ginawa namin yung best namin ngayong second take, worth it lahat and ang saya lang na apat na kaming teacher sa pamilya namin.”

Sa ngayon, nagtatrabaho sa isang BPO company si Dors at balak ng magkakapatid na bumalik sa kanilang probinsiya upang makapagturo.