Humingi ng tawad si Lovella Maguad sa mga yumaong anak na sina Crizzle Gwynn at Crizville Louis dahil hindi siya sigurado kung nakamit na ba nila ang hustisya para sa mga ito.

"Sa lahat po na nagtatanong kung nakuha na ba namin ang justice after one year? Hindi po ako sigurado sa justice system kung naibigay na ba? Ganoon pa man maraming salamat po sa inyong lahat …sa lahat naitulong nyo po sa amin," saad ni Lovella sa kaniyang Facebook post kamakailan.

"Mga anak Crizzlle Gwynn Orbe Maguad n Crizvlle Louis Maguad Crizzlle Gwynn I’m sorry….Forgive us ni papa nyo kasi wala pa kaming nagawa na ibigay sa inyo Ang dapat para sa inyo…. and we love you so much Ate n Boyboy!" dagdag pa niya. 

Isang taon na ang nakalipas matapos ang karumal-dumal na pagpatay sa Maguad siblings noong Disyembre 10, 2021. 

Human-Interest

ALAMIN: Mga inisyatibo ng NCCA sa pagpapakilala ng kultura ng mga katutubo

Matatandaan na dakong alas-2:00 ng tanghali nang maganap ang krimen. Ayon sa imbestigasyon, walang awang pinagsasaksak at minartilyo ang magkapatid na Maguad na sina Crizzle Gwynn at CrizvilleLouis.

KAUGNAY NA BALITA:https://balita.net.ph/2021/12/16/dahil-sa-selos-at-inggit-pumatay-sa-maguad-siblings-adopted-daughter-ng-pamilya/" target="_blank">https://balita.net.ph/2021/12/16/dahil-sa-selos-at-inggit-pumatay-sa-maguad-siblings-adopted-daughter-ng-pamilya/